Tag Archives: Noynoy Aquino’s Speech

Benigno S. Aquino III, Turn-over Ceremonies of Southville 9 Housing Units 2010

22 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the Turn-over Ceremonies of the Southville 9 Housing Units

[October 14, 2010, Bgy Pinugay, Baras, Rizal]

Vice President Jejomar Binay, Chairman of the Housing and Urban Development Coordinating Council; Governor Jun Yñares; Vice Governor Frisco San Juan, Jr.; Mayor Wilfredo Robles; Atty. Chito Cruz, General Manager of the National Housing Authority; mga naimbitang panauhin; mga iba pa nating kasamahan; mga residente ng Rizal; mga kababayan: Isang napakagandang araw sa ating lahat.

Sa likod ng mahigpit nating schedule, hindi po tayo nagdalawang-isip na samahan kayo sa araw na ito. Ang personal na pag-aabot sa inyo ng mga tahanang ito ay isang karangalan. Maraming salamat sa inyong imbitasyon.

Paroo’t parito na po ang unos na dumaan sa ating bansa sa mga nagdaang taon. Bagyo man o baha, lindol man o landslide, tila naging karaniwang pangyayari na sa atin ang mga iba’t-ibang sakuna. Subalit ipinakita natin sa isa’t-isa at sa buong mundo: kailanma’y hindi tayo magpapatinag. Sama-sama tayong umaahon sa bawat paglubog; buong bayan tayong bumabangon sa bawat pagkasadlak. Sa pagbabayanihan, pinatunayan nating wala tayong hindi kayang gawin. Kaliwa’t kanan man ang sumpong ng sakuna, basta tayo ay nagtutulungan, kailanma’y walang makakatibag sa atin.

Mahigit isang taon na ang lumipas nang hinagupit tayo ni Ondoy. Isang taon, ngunit alam kong parang kailan lang para sa ilan sa inyo. Nalinis man ang mga daan, may bakas pa rin ng kahirapang iniwan sa karamihan. Sa dami ng mga nawalan ng bahay, iilan pa lamang ang nare-relocate sa maayos na tirahan. Marami pa ring nakatira sa mga lugar na malapit sa panganib ng baha, sakaling dumating muli ang mga ganitong kalamidad.

Hanga po ako sa mga tulad ninyo: matitibay sa likod ng mga pagsubok. Sagisag kayo ng katatagan ng isang tunay na Pilipino.

Tulad ninyo, maraming kinaharap at kinakaharap na hamon ang ating administrasyon. Sa kabila ng mga ito, hindi rin tayo magpapatinag. Ngayong nakamit na natin ang tagumpay, saka pa ba tayo bibigay? Sa pagwaksi sa malubhang kondisyong dulot ng kahirapan, sa inyo pa rin nanggagaling ang aking lakas. Tayo po ay nagdadamayan at sa ganitong paraan, lahat tayo ay magtatagumpay.

Ilang buwan pa lamang matapos tayong mailuklok sa pagkapangulo, agad na po nating hinarap ang mga problemang ito. Kabalikat ang iba’t ibang ahensiya—ang HUDCC, na itinatag ng aking ina at ngayo’y nasa kamay ng ating Bise Presidente; ang mga sangay nito na tulad ng NHA; at mga lokal na pamunuan—naninindigan tayo upang makamit ng ating mga kababayan ang layuning magkaroon ng maayos, maipagmamalaki at sarili nilang tahanan.

Ang pagbabahagi natin ng mga pabahay sa Southville 9 Housing Project ay bagong pinto para sa bagong buhay – isang pagbubukas ng inyong mas magandang simula, at pagsasara sa kung anumang alaalang dala ng nakaraan. Ngayon, abot-kamay na natin ang pinapangarap nating bahay at lupa para sa ating mga pamilya.

Sa kasalukuyan, mula sa target na 2,800 na housing units, 2,600 na ang naipagawa at may 957 na pamilya na tayong nailipat at nabigyan ng disenteng tahanan. Patuloy pa po natin itong dadagdagan. Pangarap ko pong makita na ang bawat pamilyang Pilipino ay magkaroon ng sarili nilang bahay at lupa. Kaya naman po natin higit na pinapatibay ang mga programang pabahay.

At batid po nating walang silbi ang pagkakatayo ng libu-libong tahanan kung wala namang nakaugat ditong aktibo at maunlad na pamayanan. Kaya naman po maliban sa inyong mga bahay, naniguro po tayo na may mga community at livelihood facilities na magagamit ninyo sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Sa kasalukuyan po ay may Baras National High School at Day Care Center na po tayong mapapasukan ng ating mga anak. Nagagamit na din po natin ang ating Multi-Purpose Hall, ang Ynares Learning Center at ang covered court. Lahat po ng ito ay bunga ng maigting na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga pribadong sektor at mga NGOs. Maraming salamat po sa inyo.  Kayo ang patunay na sa mga ganitong public-private partnerships, walang ibang direksyon ang ating bayan kundi kaunlaran lamang.

At hindi po dito magtatapos ang pagkakaisang ito. Magdadagdag pa po tayo ng labinlimang (15) silid-aralan para hindi na po magsiksikan ang ating mga anak sa mga eskwelahan. Maliban sa barangay hall, palengke at kapilya, itataguyod din po natin ang isang multi-purpose hall para sa iba’t-ibang programang pangkabuhayan na maaari ninyong pagkakitaan at health center upang mapangalagaan ang kalusugan ng inyong pamilya. Lahat po ng ito, magagawa lamang kung bawat isa sa atin ay buong-pagkukusang mag-aambag sa katuparan ng ating pinapangarap na maunlad na pamayanan. Lahat po ng ito ay walang-tigil na isinusulong ng ating administrasyon dahil nagtitiwala kaming buhay ang diwa ng People Power, at handa ang bawat Pilipinong magbayanihan upang tapusin na ang kahirapan.

At hindi po nagtatapos sa pagtugon ng iilang problema ang ginagawa ng ating pamahalaan. Sa tulong muli ng lokal na gobyerno, sisiguruhin po nating may mga ahensiyang nakatalaga sa paghahanda upang maiwasan ang mga paparating na kalamidad.  Mas magiging maagap na rin po tayo tuwing may mga bagyo matapos nating repasuhin ang weather forecasting system ng PAGASA. Malalaman niyo na po agad, hindi lang ang mga natural na sakunang parating, kundi maging ang mga nararapat ninyong gawin upang makaiwas sa perwisyong maaaring idulot nito. Lahat po ng ito ay ginagawa natin para sa inyong kapakanan at kaligtasan.

Kasabay po sa matagumpay na pag-aabot ng mga tahanang ito ang patuloy ninyong pakikipagtulungan sa gobyerno. Makilahok, sa halip na magreklamo; makibahagi sa solusyon sa halip na dumagdag sa gulo. Nasa iisang bubong na muli tayo. Marami pa tayong kailangang gawin; marami pa tayong kailangang kumpunihin sa nag-iisa nating bayan.

Sa inyong lahat: welcome home. Heto na ang inyong mga bagong tahanan: pugad ng kaginhawaan, at harinawa’t pugad ng darating na masaganang kinabukasan para sa inyong pamilya.

Maraming salamat po.

Advertisements

Benigno S. Aquino III, Grand Opening of Microtel MOA 2010

17 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the Grand Opening of Microtel, Mall of Asia

[October 12, 2010, SM Mall of Asia Complex, Pasay City]

Mr. Jose Mari del Rosario; Mr. Ramon del Rosario, Jr.; officials and employees of Microtel Development Corporation and Philippine Investment-Management, Inc.; honored guests; mga minamahal kong kababayan: magandang gabi po sa inyong lahat.

It is a pleasure to be part of this event: the opening of the largest Microtel in the world—the Microtel Mall of Asia – Manila.

Tourism is truly one of the engines that boost our economy. Our administration, as I have said in my SONA, will bank on tourism and reinforce it further to propel our agenda of change. It was noted that more infrastructures are needed for this sector. For this reason, the Department of Tourism, together with the economic managers, has given due consideration in providing an enabling environment for greater private sector participation in tourism infrastructure projects. We are working at modernizing air services to open up accessibility in the country.

Under the headship of Secretary Alberto Lim, the Department of Tourism plans to keep this engine running. Pursuant to Republic Act No. 9593, implementation of the mandatory accreditation of primary tourism enterprises such as accommodation facilities, travel agencies, tour operators, tour guides, tourist transport, are to be intensified. A launch of a new tourism brand for the country is also targeted for before the end of the year. This brand envisions the creation of greater interests and awareness on the most important tourism asset of the country—its people.

There is a rule of thumb that for every tourist that enters our country, it creates income equivalent to the per capita needs of one Filipino for one year. It means that for every tourist that comes in, one Filipino is endowed with the ability to provide for himself and his family. Your chain of world class economy hotels located all over the Philippines—in Baguio, Tarlac, Cavite, Batangas, Boracay, Davao, Cabanatuan, Palawan, and now, here in Manila—is assisting our government in fulfilling its foremost agenda: to generate employment for Filipinos. It is part of the infrastructure for tourism development.

From July to September 2010, about 12.69 billion pesos worth of tourism projects were recorded. Of these investment programs, 99.5% accrues to the accommodation sector, and 98% of this total investment portfolio is in the National Capital Region. We are committed in sustaining this pace and increase the visitors’ arrival to the country from the current 3 million to 6 million by 2016. Every hotel guest we welcome will not only provide work for the front desk and housekeepers. Other dedicated workers like our waiters, chefs, and drivers will also be given an opportunity to gain additional income out of this tourism upsurge we are promoting, not to mention the many other small and medium enterprises that will benefit from more tourists.

It is through these that the well-known warmth and genuine Filipino hospitality are fully demonstrated to foreign as well as domestic tourists, making their stay worthwhile and giving them more and more reasons to travel to and in our country. More than a traveler’s sanctuary, your hotels are gateways to our country’s rich diversity.

With each and everyone’s contribution to our tourism supply chain, our country’s development potential is enhanced. By way of partners like Microtel, our administration is confident that its transformative agenda will be accelerated.

For all of us here: let us continue to be the building blocks of our country’s growth; let us keep on working hand in hand to develop our motherland.

As we inaugurate this hotel, may more progress and prosperity enter your halls and doors.

Thank you and have a great evening.

Benigno S. Aquino III, 10th National Cooperative Summit 2010

17 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During the 1st day of the 10th National Cooperative Summit

[October 10, 2010, Araneta Coliseum, Quezon City]

Magandang umaga po.

Una po sa lahat, hindi pa man pormal na nagtatapos ang summit na ito, binabati ko na kayo sa tagumpay ng pagtitipong ito. Ang mga kooperatiba ay kasangga ng ating gobyerno sa pagtatayo ng sistemang patas at maunlad. Ikinalulugod kong makasama dito ang mga pinuno ng kooperatiba na nanggaling pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Salamat sa inyong pakikiisa sa pagsisikap nating mapanatili ang positibong enerhiya sa ekonomiya na ating nararanasan ngayon.

Pinasasalamatan ko rin ang mga taong nagtaguyod sa pagtitipong ito, sa pangunguna ng aking tiyuhing si Butz Aquino. Batid ko pong ginugol niya ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pagpapaunlad at pagtulong sa mga kooperatiba at sa kabuhayan ng mga kapuspalad nating kababayan. Binabati din po natin ang Philippine Cooperative Center (PCC) at ang Cooperative Development Authority (CDA) sa kanilang pagsisikap na maging posible ang pagkikita-kita nating ito.

Patuloy po sa pag-angat ang ating ekonomiya at hindi po tayo titigil sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang mapabuti pa ang ating nasimulan. Kabaliktaran ng naranasan natin noong nakaraang administrasyon ang nararanasan natin ngayon. Sa atin nga pong pagbisita nitong nakaraang buwan sa Estados Unidos, kabi-kabila ang ating nakuhang investment sa mga negosyante doon. Hindi po bababa sa 2.4 bilyong dolyar ang naiuwi nating pasalubong sa Pilipinas.

Matapos po ang ika-isandaang araw natin sa panunungkulan, naabot ng Stock Market natin ang pinakamataas na index na 4,245.05 noong October 7 – senyales na gumiginhawa ang ating ekonomiya. Ngunit hindi po natin dapat makalimutan na ang kaunlaran ay dapat na makamit ng marami at hindi lang iilan ang dapat makinabang.

Sama-sama po tayo. Balewala po itong mga impormasyong nabanggit ko kung hindi ito mararamdaman ng bawat isa, lalo na ng mahihirap nating kababayan. Nito pong nakaraang kabanata ng ating kasaysayan, nalubog po tayo sa matinding kahirapan. Sa mga panahon pong iyon, ang mga kooperatiba ang nagbigay ng pagkakataon sa mga ordinaryong mamamayan na makilahok sa pagpapatakbo at pagkita sa larangan ng enerhiya at tubig. Ang modelo ng kooperatiba ay paraan kung saan ang mga consumer ay sila ring magiging may-ari ng mga kompanya.  Naniniwala po akong nasa inyo pa rin ang malaking potensyal na makatulong sa ating tuloy-tuloy na pag-ahon sa kahirapan. Higit sa lahat, naniniwala akong ang mga kooperatiba ay katuwang ng ating gobyerno sa paglaban sa kahirapan.

Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, naging adbokasiya niya ang “people empowerment through microfinance and cooperative-based activities”. Nagbigay-daan po ito sa pagpapaunlad sa kabuhayan ng marami nating kababayan. Hindi lang po natin itutuloy ito: makakaasa kayo na todo ang ating suporta sa adhikaing palakasin at palaguin ang kooperatiba.

Buo din po ang aking suporta sa mga kooperatiba noon pa mang mambabatas pa ako. Isa po tayo sa mga sumuportang amyendahan ang panukalang batas para sa mga kooperatiba. Sa pagsasaayos po ng batas ukol dito, nilinaw po natin ang depinisyon ng social auditing upang higit na matugunan ng mga kooperatiba ang kanilang mga tungkulin sa komunidad.

Sa rebisyon pong ito, sinusuri natin kung sa mga komunidad ba, dumarami ang trabaho at lumalago ang negosyo o palaki lang nang palaki ang inuutang mula sa deposito ng mga miyembro ng kooperatiba?

Naniniwala po akong kailangan nating tiyakin na sa atin pong ibinabahaging pondo, lahat ay makikinabang at hindi sinasarili lamang ng iilan ang mga benepisyong nakukuha mula sa mga kooperatiba. Kaya naman sa ating pagsuporta sa organisasyong tulad nito, babantayan natin ang mga operasyon dito para maisabuhay ang diwa ng kooperatiba – kung saan ang benepisyo ng isa ay benepisyo ng lahat.

Mandato ng mga kooperatiba na magbigay ng pantay na pagkakataon sa ating mga mamamayan na makapagnegosyo. Sa bayanihang naitataguyod sa ganitong samahan, nabibigyang-lakas ang ating mamamayan. Bilang mga kalahok sa proseso, may oportunidad silang makibahagi sa mga usapin at proyektong panlipunan na nagtataguyod sa kapakanan ng komunidad: pagsusulong sa mga patubig, distribusyon ng kuryente, pagpapatayo ng imprastraktura, at pagkakaroon ng maayos na transportasyon.

Sagisag po ang kooperatiba ng ating isinusulong na demokrasya. Mayroon kayong kalayaan na iboto ang mga pinuno ninyo at magkaroon ng diskurso ukol sa mga suliranin ng komunidad na inyong pinaglilingkuran.  Magtatagumpay po ang isang kooperatiba kung mapagkakatiwalaan at may malinis na hangarin ang mga pinuno nito. Kailangan din ang pakikiisa ng mga miyembro dito kaya naman napakahalaga pong maisaalang-alang ang kapakanan ng bawat isa sa kooperatiba.

Kung paano ang mga operatiba, ganoon din dapat ang ating gobyerno. Bilang Pangulo, mananatili pong ang mamamayan ang boss ko. Sa loob ng tatlong buwan na tayo po ay nanungkulan, wala tayong inatupag kundi ang pagresolba sa sangkaterbang problema na ating minana. Pero dahil po marami ang nakikiisa sa atin kaysa mga bumabatikos, batid ko pong magtatagumpay tayo sa ating layuning makamit ang pagbabago.

Nasa likod po ninyo ang aking administrasyon at makakaasa kayong makikipagtulungan ang gobyerno sa pagtataguyod ng inyong mga programa. Sisiguraduhin po natin na magkakaroon ng maayos na paraan upang tayo ay makapag-usap. Sa paraang ito, mabibigyan ng agarang solusyon ang mga problema at mapapabilis din ang pag-usad natin tungo sa pag-unlad. Itataguyod ­po natin ang mga programang magpapahusay pa sa inyong kakayahang magpalakad ng organisasyon. Sisiguraduhin din po nating mapapanatili ang mga benepisyong nararapat na makuha ninyo sang-ayon sa batas. Poprotektahan kayo ng gobyerno sa mga korporasyong ginagamit kayo para makaiwas lamang sa buwis. Susuportahan naming ang mga panukalang nagpapalakas sa kooperatiba upang mapanatili ang tapat na paglilingkod para sa nakararami.

Umasa po kayong magiging katuwang ninyo ang ating gobyerno sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mandato ng CDA upang mas matulungan kayo.

Umaasa akong patuloy kayong magsisikap upang makatulong sa nakararami at sa bansa sa kabuuan. Tulad ng tema ninyo ngayong taon, isusulong natin ang pagkakaisa ng mga kooperatiba bilang samahang may isang layunin at may isang patutunguhan. Ang lakas ng isa ay lakas ng lahat. Palalakasin po natin ang mga kooperatiba bilang bahagi ng ating pagpapalakas sa ating ekonomiya. Wala pong dapat na maiwan sa pag-unlad. Isulong natin ang diwang gumagabay sa kooperatiba. Gawin nating tagumpay ng mamamayan ang tagumpay ng mga kooperatiba. Huwag kayong sumuko at gawin nating matibay na pundasyon ng pag-asenso ang inyong mga samahan.

Magandang araw po sa ating lahat at mabuhay po kayo!

Benigno S. Aquino III, Speech at 7th Gawad Kalinga 2010

17 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the 7th Anniversary of Gawad Kalinga

[October 10, 2010, Quezon Memorial Park]

Magandang hapon.

Sa mga ganitong pagsasalu-salo, kadalasan ay ang mga volunteers po ang una nating pinapasalamatan. Ngunit kung mamarapatin po ninyo, nais ko po munang bigyang pugay si Ginoong Tony Meloto: ang Ama ng Gawad Kalinga. At wala na nga po sigurong mas aangkop pa sa salitang “ama” upang ilarawan siya. Siya ang tatay na nagtanim ng binhi upang umusbong ang pamilyang ito. Siya ang haliging nagbibigay pag-asa sa mga walang masilungan. Siya ang amang gumabay sa mga myembro upang maisapuso nila ang dalisay na adhikaing makatulong sa mga nangangailangan. Siya rin ang sandigan ng bawat kasapi at volunteer tuwing may mga kumukwestyon sa tunay na layunin ng Gawad Kalinga. Kaya naman po, kasama ko ang lahat ng Pilipino na nagpapasalamat sa lakas, yaman at panahong inialay ni Tony para itaguyod ang Gawad Kalinga. Patunay po siya at ang pitong (7) matagumpay na taon ng Gawad Kalinga na wala tayong hindi kayang gawin kung ang puhunan natin ay ang tiwala ng bawat isa sa atin. Muli, maraming salamat, Tony.

Ang tagumpay po ng Gawad kalinga ay maihahalintulad din sa tinatamasang tagumpay ng bansa natin ngayon. Gaya ng nagawa ng diwa ng bolunterismo sa inyong grupo, malaki rin po ang iniambag ng mga nag-volunteer at nakiisa sa atin sa paninigurong ang tatahakin natin ay ang matuwid na landas lamang, at hindi na maliligaw pa sa kung saang gubat ng kurapsyon ang ating bayan. Kaya’t hindi ko po pinapalampas ang mga pagkakataong aking personal na pasalamatan ang mga masisipag nating volunteers: kayong nagtiwala at nanalig sa kakayahan nating makamit ang pagbabago, kayong mga hindi pinagdadamutan ng tulong at malasakit ang inyong kapwa at Inang Bayan. Sa lahat ng volunteers ng Gawad Kalinga, marami pong salamat.

Nitong huling miyerkules po, inihayag ko po sa inyo ang mga nagawa ng ating administrasyon sa loob ng isandaang araw. Gaya po ng inaasahan, hindi pa po ako nakakababa sa entablado, kaliwa’t kanan na po agad ang puna ng mga nais iligaw ang bayan natin. Nakakalungkot man po, pero mukhang natural na po yata sa kanila ang sumakit ang loob kung gumaganda ang buhay ng mga Pilipino. Maliban dito, nakakalimutan din po yata nilang may higit sa dalawang-libong araw pa po tayong magtatrabaho upang maitaguyod ang kaunlaran ng ating mga kababayan. At hindi po ito magiging madali. Sangkatutak pa rin po ang mga balakid sa katuparan ng mga pangarap natin: kasama na dito ang mga pulitikal na hadlang mula sa mga nagnanais na ipagpatuloy ang kanilang ligaya. Puso, tapat na paglilingkod at pagkakaisa ang pinakamabisa natin sandata. Ito po ang paulit-ulit na nating napatunayan.

Gaya po ng ginagawa ng Gawad Kalinga, hinihikayat ko po kayong makipagbayanihan upang kumpunihin natin ang ating bayan. Lahat tayo, may magagawa.  Ang pagiging simpleng mamamayan ay hindi dahilan upang sabihing wala tayong lakas. Pinatunayan na ito ng Gawad Kalinga.

Kaya naman po natin isinusulong ang pag-uugnayan ng pribadong sektor sa pamahalaan, at sa mga mamamayan. Ito po ang silbi ng Public-Private Partnership Center.  Kung negosyante ka, at gusto mong makilahok sa pagbabago, bukas ang pintuan ng gobyerno para sa iyo. Magiging tapat, malinaw, at mabilis ang proseso ng mga papeles mo. Mali naman po sigurong pahirapan ka pa namin kung ang gusto mo naman ay tulungan ang bayan.

Hindi lang yan. Sa DILG, magtutulungan ang mga lokal na opisyal at mga civil society organizations upang maitaas ang kaledad ng regional coordination at mas matugunan ang mga problema sa procurement at peace and order. Sa DSWD naman, paiigtingin natin ang monitoring at auditing ng mga programang pinondohan natin, tulad ng conditional cash transfers at ang KALAHI-CIDSS. Tuloy tuloy ang pagpapalakas natin ng ating mga regional, provincial and municipal offices na siyang mangangasiwa nito. Ilan laman ito sa mga halimbawa ng mga paraan kung paano maaring makilahok ang ordinaryong mamamayan sa pamamahala.

Bibigyang-lakas natin ang isa’t-isa. Sa atin pong pagbabayanihan nakasalalay ang patuloy na tagumpay ng mamamayang Pilipino.

Muli, maraming salamat sa Gawad Kalinga. Sa loob ng pitong taon, hindi lang po makukulay na bahay at yumayabong na mga komunidad ang inyong itinaguyod. Mas higit po dito ang dinadala ninyong pag-asa sa mga kababayan nating nalulugmok sa kahirapan. Sa bawat pamilyang nagbubukas ng pinto sa bago nilang tahanan, may isang bayan din pong malugod na sumasalubong sa pag-unlad.

Ipagpatuloy po natin ang pagbabayanihan; sama-sama nating kumpunihin ang ating bayan. Ngayong nasa kamay nang muli ng taumbayan ang pamahalaan, wala po tayong hindi magagawa. Napakaganda na po ng ating nasimulan, at napakaganda rin ng napipinto nating kinabukasan. Kumakatok na po ang katuparan ng ating mga pangarap. Para sa susunod na salinlahi, atin po itong pagbuksan.

Maraming salamat po.

Benigno S. Aquino III, TOSP Awardee Speech 2010

17 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
During the Awarding Ceremonies of Ten Outstanding Students of the Philippines

[October 7, 2010, Malacanang Palace]

Magandang araw po sa inyong lahat.

Binabati ko po ang mga napiling pinakamahusay na estudyante sa ating bansa. Ikinalulugod kong makasama ang mga tulad ninyong hindi sinayang ang biyayang karunungan ng Panginoon at hindi ipinagwalang-bahala ang pagkakataong makapag-aral. Ang inyong parangal na matatanggap ay bunga ng inyong pagsusumikap na lampas sa apat na sulok ng silid-aralan. Maliban sa mataas na marka sa mga gawaing pang-akademiko, masigasig din kayo sa pagganap ng inyong tungkulin sa lipunan at sa pagpapamalas ng kahusayan sa pamumuno.

Salamat sa mga magulang at guro sa pagpapanday sa isip ng mga tulad ninyong magmamana ng mahahalagang tungkulin sa lipunan. Nagsisilbi kayong lakas at inspirasyon sa ating puspusang paglalatag ng mga programa para sa kapakanan ng mga estudyanteng katulad ninyo. Salamat din sa tagapagtaguyod ng parangal na ito sa pangunguna ni Jose Concepcion Jr. Sa patuloy ninyong pagkilala sa kahusayan ng mga estudyante, naipapaabot natin ang ating pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa lipunan. Kasama ninyo ang aking administrasyon sa pagsisikap na makahubog pa at maparami ang bilang ng mga estudyanteng gaya ng mga awardee ngayon.

Sa isang liham na isinulat ng aking ama para sa akin habang nakakulong siya at napipintong hatulan ng kamatayan ng military tribunal, sinabi niya sa akin: “umaasa akong mag-aaral ka nang mabuti para magkaroon ka ng matatag na pundasyon sa pagtupad ng iyong mga pangarap sa hinaharap.” Ito rin po ang maipapayo ko sa lahat ng kabataan ngayon. Hangarin ng bawat magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak. Itinuturing nga po itong kayamanang hindi mananakaw ninuman.

Subalit paano kung ang pondong inilaan para maisakatuparan ang pinapangarap na edukasyon ang ninanakaw?

Alam kong mulat din kayo sa mga hamong dapat nating malampasan sa edukasyon. Malaking bahagi ng buhay niyo ang ginugugol ninyo sa pag-aaral. Dumadaan kayo sa mahihirap na leksiyon at mga proyektong kailangang maisagawa upang maging karapat-dapat sa susunod na antas. Madalas, pinahihirap pa lalo ang buhay-mag-aaral ng mga kakulangan sa mga libro at imprastraktura at ng hindi sapat na gamit sa pagtuturo ng mga guro. Nariyan din ang tukso at impluwensya ng internet, computer games, telebisyon, at iba’t ibang uri ng media. Sa kabila ng lahat ng ito, kayong mga awardee ngayon ay hindi nagpatinag. Ginawa ninyo ang lahat upang mapaunlad ang inyong kaalaman sa abot ng inyong makakaya. Ngayon pa lang na may mga pagkukulang pa, napakagagaling na ninyo, ano pa kaya kung atin nang matugunan ang inyong mga pangangailangan?

Kayong mga naririto ngayon ay ang mga higit na nagsumikap na matuto at paunlarin ang kakayahan. Nagtagumpay na kayo sa iba’t ibang larangan bilang mag-aaral, ngunit marami pa kayong pagsubok na haharapin: hamon na makapagtapos ng pag-aaral, makapaghanap ng trabaho at maitaguyod ang sariling pamilya. Naniniwala akong kaya din ninyong magtagumpay sa mga ito. Kaya naman, hihiling sana ako sa inyo ng pabor. Sana lamang, sa karerang tatahakin ninyo sa buhay at sa pagsuporta ninyo sa inyong pamilya, hindi ninyo makalimutang kumilos para sa kaunlaran ng ating bayan. Maraming simpleng paraan upang magawa niyo ito: ang wastong pagtapon ng basura, pagsunod sa batas-trapiko at pagbabayad ng tamang buwis. Inaasahan ko rin na kayong naririto ay makakapag-ambag ng higit pa. Hinihikayat ko kayong maglingkod sa ating gobyerno, o maging miyembro ng mga organisasyong nagsusumikap na masolusyunan ang mga suliranin ng ating bansa. Tungkulin ninyong hindi lamang paunlarin ang sarili kundi tulungan din ang ibang magtagumpay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng inyong kaalaman.

Alam kong marami pang mahuhusay na estudyanteng gaya ninyo ang hindi lang nabibigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili dahil sa hirap ng buhay. Kailangan ko ang tulong ninyo. Umaasa akong kasabay ng pagtanggap ninyo sa parangal na ito ang pagtanggap din ninyo sa hamong makiisa kayo sa ating layuning makamit ang pagbabago. Sana’y gamitin ninyo sa ikabubuti ng nakararami ang inyong galing, hindi upang pagsilbihan ang interes ng iilan lamang.

Inuulit ko po, kaakibat ng inyong karunungan ang mas malaking responsibilidad na itaguyod ang kinabukasan ng bayan. Umaasa akong matapos ang ilang taon, bahagi pa rin kayo ng ating isinusulong na demokrasyang kapaki-pakinabang sa ating mga mamamayan. Sa ating pagkakaisa, abot-kamay na po natin ang hangad nating kasaganahan. Sama-sama tayo sa pagkilos tungo sa isang magandang kinabukasang may tunay na kalayaan.

Maraming salamat sa inyo at nawa’y patuloy kayong maging mabuting halimbawa sa iba sa ating pagsisikap na tahakin ang tuwid na landas.

Benigno S. Aquino III, At the 7th Philippine National Corn Congress 2010

16 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the 7th Philippine National Corn Congress

[October 8, 2010, Reina Mercedes, Isabela]

Magandang umaga.

Una, nagpapasalamat ako sa Philippine Maize Federation sa pag-imbita sa akin sa pagtitipong ito. Mahalaga po ang mga ganitong salu-salo, dahil dito po nagtatagpo ang iba’t-ibang ideyang pang-agrikultura, na siya naman pong pinagmumulan ng mga makabuluhang inobasyon at bagong pananaw mula sa mga kapwa corn farmers, at traders. Hindi lang po nito pinapadali ang trabaho at pinapalaki ang kita ng bawat isa: pagkakataon din po ito upang maibahagi natin ang mga nagiging balakid sa paglago ng ating industriya ng mais, at ang mga angkop at napapanahong kasagutan sa mga nasabing isyu. Kaya naman po isinusulong po natin ang mga ganitong ugnayan.

Gusto kong rin pong pasalamatan si Dr Alfonso A. Uy at ang kanyang mga kasamahan sa Mindanao Grain Processing Co, Inc. (MGCPI) para sa pagtatatag ng Reina Mercedes Corn Processing Center (RM-CPC) dito sa Isabela. Direkta pong nakikinabang dito ang ating mga maliliit na magsasaka ng mais. Hindi po nababale-wala ang kanilang pinaghirapan. Pinapaganda na po ninyo ang kalidad ng inaani nilang mais, naibebenta pa po nila sa inyo ang kanilang mga produkto sa tamang halaga nito. Samakatuwid, binibigyang-lakas po ninyo ang ating mga magbubukid. Alinsunod po ito sa adhikain ng ating administrasyong tumulong sa mga magsasaka sa pagbibigay ng pinakasapat na halaga sa kanilang pinaghirapan. Ang pagtataguyod ninyo ng pinakamalaking post-harvest facility sa buong Southeast Asia ay isang patunay sa inyong pakikiisa, hindi lamang para sa pagsulong ng pambansang agrikultura, kundi maging sa pagpapaganda ng buhay ng ating mga magsasaka ng mais.

Isa po sa mga pinakamahalagang produktong pang-agrikultura ng Pilipinas ang mais. Paborito po itong pagkain ng marami sa ating mga kababayan, lalo na sa Visayas at Mindanao. Pangunahing sangkap din ito sa paggawa ng mga pagkain ng mga hayop. Malaki po ang inaambag ng industriya ng mais sa paglago ng pambansang ekonomiya, lalo pa at nakasalalay po sa pagsasaka nito ang pangkabuhayan ng humigit-kumulang dalawang milyong pamilyang Pilipino. Kaya naman po mahalagang paglaanan natin ng panahon ang pagsasaayos sa kabuuang estado ng industriya ng mais, hindi lang po para lumakas ang produksyon at ani nito, kundi para maiangat natin ang antas ng buhay ng ating mga masisipag na magbubukid.

Batid po ng pamahalaan ang mga suliranin ng ating mga magsasaka ng mais. Mula Enero hanggang Hunyo nitong taon, bumaba po sa 2.42 milyong metriko tonelada o dalawampu’t limang porsyento (25%) ang produksyon natin ng mais dahil sa bagsik ng El Niño. Sa sobrang init po ng panahon, kapwa nito binawasan ang maaari nating anihin, gayundin ang lupang pwede nating pagtamnan ng mais. Isama pa po natin dito ang kakulangan sa tubig dahil sa pagkatuyo ng mga irigasyon.

Bukod sa mga problemang dala ng mga natural na sakuna, marami pang ibang suliranin ang pumipilay sa ating industriya. Kabilang na dito ang kakulangan ng mga post-harvest facilities, na nagpapababa sa halaga ng mga produktong mais sa merkado lalo na tuwing tag-ulan. Ang mataas na presyo ng abono at ng iba pang gamit sa pagsasaka ay dagdag pang mga pabigat sa ating mga magbubukid.

Bilang tugon po sa mga problemang ito, atin pong inilunsad ang Agri Pinoy Program. Layon po nitong paigtingin ang seguridad sa pagkain ng ating bansa. Kaya naman po imbes na gastusin ng Department of Agriculture (DA) ang 1.3 billion pesos para sa seed subsidy na limitado naman po ang epekto, itinuon na lang po ang halagang ito sa mga mas pangmatagalan at kapaki-pakinabang na programa na makakapagpasigla sa estado ng ating pambansang agrikultura.

Una na po dito ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng ating mga irigasyon. Nakasalalay po ang tagumpay nito sa aktibong pakikipag-ugnayan ng Department of Agriculture at ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga Local Government Units (LGUs), gayundin sa mga volunteer groups, kooperatiba sa mga kanayunan at sa pribadong sektor. Ang mga ganitong public-private partnerships (PPP) po ang pinakamabilis na paraan upang makapagpatayo po tayo ng mga small-scale irrigation systems (SCIS) sa mga kanayunan, at agad nating matugunan ang kakulangan sa tubig. Wala pong binatbat ang El Niño sa ating bayanihan; ang didilig po sa mga tuyong lupa ay ang ating pakikiisa at pagtutulungan.

Hangad po ng ating administrasyon ang pagkakaroon ng isang corn dryer sa bawat isanlibong (1000) ektarya ng pinagtatamnan ng mais, lalo na sa Mindanao. Batid po kasi nating kapag may mga imprastraktura at makinang magpapatuyo sa mais ng ating mga magsasaka, tataas ang kalidad ng kanilang aanihin, at hindi na sila maaaring baratin ng mga buyers sa produktong kanilang ibebenta. Kaya naman po sinisimulan na nating magpatayo ng mga drying facilities gaya ng mga “solar dryers” at mga multi-purpose drying pavements sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Isusulong din po natin ang pagbubuo ng mga trading centers at seed storage facilities upang masiguro ang kalidad ng mga binhi na ating itatanim. Sa ganitong paraan po, maitataguyod natin ang kapakanan ng mga magsasaka, masisigurong tunay na mas masagana ang kanilang ani, dadami ang kanilang kita, at maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa tulong ng Land Bank of the Philippines (LBP) at ng iba pang Government Financial Institutions (GFIs), atin din pong dadagdagan ang production loan portfolio na mailalaan natin sa ating mga proyektong pang-agrikultura. Makikibahagi po dito ang mga Rural Banks at mga kooperatiba na kadalasang nilalapitan ng mga magsasaka tuwing may pangangailangang pinansyal. Hindi po natin pagdadamutan ng kapital, kaalaman o teknolohiya ang ating mga magsasakang nais tumulong sa pag-unlad ng bayan.

Bahagi rin po ng ating adyenda para sa sektor ng agrikultura ang pinahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga State Colleges and Universities (SCUs) at ng Department of Agriculture sa research and development. Hinihikayat ko po kayong tumulong sa ating mga agriculture professionals, mga magsasaka at mga growers sa wastong paggamit ng mga  makabagong teknolohiya at pamamaraan upang makabuo ng mas mataas na kalidad na mga binhi. Muli ko rin pong inaanyayahan ang pribadong sektor, at iba pang sektor ng lipunan upang suportahan ang pamahalaan sa pagkamit ng ating pangakong mapayabong ang ating agrikultura, lalo na ang industriya ng mais. Ang ating pagtutulungan po ang magiging puhunan natin upang matiyak ang pangmatagalang food security, at mas matatag na ekonomiya ng bansa.

Buo po ang aking pagtitiwala: ang pagtitipong ito ang magsisilbing hudyat para sa nagkakaisa at tuloy-tuloy na hakbang upang palakasin ang agrikultura ng ating bansa. Sa ating pagtutulungan, naniniwala akong imbes na tayo ang mag-angkat ng mga produkto mula sa mga dayuhan, tayo na mismo ang mag-eexport at magbebenta ng ating mga produkto sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang katuparan po nito ay nakasalalay sa ating pagkukusa na magbigay-lakas sa ating kapwa Pilipino. Wala pong duda: ang mga binhi ng pagbabago na ating itinatanim ngayon ay magbubunga ng magandang kinabukasan, na aanihin at ipapamana natin sa susunod na henerasyon.  Napakaganda na po ng ating nasimulan; ituloy po natin ang sama-samang pagtahak sa matuwid na landas.

Maraming salamat po.

Benigno S. Aquino III, First 100 Days Speech 2010

16 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
On the First 100 Days of His Administration

[October 7, 2010, La Consolacion College, Manila]

Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.

Vice President Jejomar Binay, members of the Cabinet, our host led by Sister Imelda, honored guests, fellow workers in government, mga minamahal ko pong kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang basehan po ng demokrasya ay mayroon po tayong mga politiko na naglalahad ng kanilang plataporma. Ang nanalo po ay obligadong ipatupad ang platapormang ipinangako.

Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating pong paninindigan.

Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan.

Mali po ito. Ngayon, mayroon na po kayong gobyernong handang makipag-usap at magsabi ng totoo; handang makinig sa makabuluhang usapan; handang iangat ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa mga isyung makaaapekto sa ating lahat, at maging sa mga darating na henerasyon.

Ang natamasa po natin ngayong unang isandaang araw ng ating panunungkulan: Mayroon na po kayong gobyernong hindi kayo binabalewala o inaapi.

Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa. Tumatatag ang ating ekonomiya, at dahil dito, lumalago ang kaban ng ating bayan. Ang lahat ng inani at aanihin pa natin mula sa pinatibay na ekonomiya ng ating bansa, ibinabalik naman natin sa taumbayan upang tuluyan na tayong makaahon sa kahirapan. Binibigyan natin ng katuturan ang paggastos. Walang pisong dapat nasasayang.

Halimbawa po ang mga itinalagang opisyal sa mga GOCC. Naroon po dapat sila para pangalagaan ang interes ng taumbayan. Noon pong nakaupo sila doon, nilabag nila ang Memorandum Order 20, na pinirmahan noon pang Hunyo 2001. Inatupag po nila ang sariling interes na nagdulot ng pinsala sa interes ng taumbayan: nakakuha sila ng kung anu-anong mga bonus at allowance.

Ipinatutupad naman po natin ang Executive Order No. 7 na nagsususpinde sa lahat ng pribilehiyong iyon. Idiniin lamang po natin ang dapat naipatupad pa noong 2001. Sa isang kumpanya lang po tulad ng MWSS, ang napigil nating mahulog sa bulsa ng bawat opisyal ay umaabot na sa dalawa’t kalahating milyong piso kada taon. Siyam po ang miyembro ng Board nila, at sa MWSS lamang po iyan. At ilan po ang mga GOCCs, GFIs, at mga ahensyang sakop ng EO No. 7? Isandaan, dalawampu’t dalawa (122) mga ahensya at kumpanya.

Nariyan din po ang nangyayari sa mga kontrata tulad sa NAIA 3. Isipin lang po natin, tatlong administrasyon na ang dinaanan nito. Pang-apat na kami. Tumagal na po nang husto ang kasong ito, may mga pinaslang pa dahil dito. Kundi dahil sa mga tapat na nagmamahal sa bansa tulad nina Justice Florentino Feliciano at Justice Meilou Sereno, baka wala na ring pinatunguhan ang kasong ito. Sila po ang mga tunay na bida sa kaso, ngunit death threats pa po ang ibinayad sa kanila. Tila ba nagkulang sa aruga ang nakaraang gobyerno. Ngayon pong alam nilang suportado sila ng mga kapwa nila nasa tuwid na landas, naresolba na po nila  ang kontrata. Kung natalo po ang gobyerno natin rito, 990 million dollars ang nalagas sa ating mga pondo. 43.5 bilyong piso ang perang nailigtas nila at natin. Higit pa rito, mapapakinabangan na natin ang airport sa lalong madaling panahon.

Kung naaalala po ninyo, pinahinto natin itong negotiated contracts ng DPWH; pinarebid natin ito. Ginawa lang po natin kung ano ang tama, napigil na po natin ang paglustay ng 934.1 million pesos, at lumalabas na kung susunod tayo sa tamang proseso ay nasa 600 million pesos lang ang dapat gastusin sa mga proyektong ito. Nabalik po ang pera sa kaban ng bayan na kung pinahintulutan natin ang maling sistema ay natapon na naman sanang muli. Hindi lang po sa mga kalsada: sa DOTC, pinigil natin ang pagwaldas ng isang bilyong piso. Sa Department of Agriculture, 30 million at least ang natipid sa isang proyekto lang na bibili tayo ng spectrometer na gusto sanang doblehin ang presyo.

Doon po sa Department of National Defense, ang dinefend po ang pag-purchase ng mga helicopter na tila overspecified para paburan ang isang kumpanya lang. Sinisiyat ito. Itinabi na muna natin. Ang gastos na 3.6 billion ay hindi pa po nangyari.

Lahat po iyan naibalik natin sa kaban ng bayan.

Mayroon pa po. May proyektong inaprubahan ang dating administrasyon, huhukayin daw nila ang Laguna de Bay para palalimin ito. Ang sabi raw dadami ang isda. Mas makakaiwas daw sa baha. Mas madali daw makakaikot ang mga bangka at mga ferry service. Tatanggalin din ang pollutants doon sa Laguna de Bay. Ang tanong ko, saan ililipat ang lupang hinukay? Ang tatanggalin sa Laguna de Bay ay itatambak lang din pala sa ibang bahagi ng Laguna de Bay. At magkano naman po ang uutangin ng gobyerno para sa prebilihiyong ito? Konti lang daw po : 18.5 billion pesos lang naman po. At pareho rin ang kuwento: Tila hindi na naman dumaan sa tamang proseso ang pag-aapruba sa kontrata. Hindi natin dadaanin sa madaliang hokus-pokus ang proyektong ito. Pag-aaralan natin ito nang husto at sisiguraduhing hindi masasayang ang pondong gagamitin para rito.

Idadagdag ko lang po: ito po ay ni-review natin last week. Isipin po ninyo: hanggang ngayon, mayroon pa rin humihirit.

Napansin n’yo po ba, pati ‘yung weather forecasting gumanda? Napansin n’yo po ba na hindi na paulit-ulit ang mga mensahe ng PAGASA? Ngayon po, nakatutok na at mas malaman ang mga weather bulletin natin. Ang dating intermittent rainshowers across the country, ngayon, sasabihin na uulan sa ganitong lugar nang mga ganitong oras, delikadong lumabas para sa mangingisda at iba pa.

Tama po na hindi pa kumpleto ang equipment natin. Pero ngayong nagsimula na po tayong magtrabaho, kakaunti na lang ang kulang na kagamitan. Maling sistema at maling palakad ang nanligaw sa pagtataya ng panahon. Ang mga update dati na dumarating kada anim na oras, kada oras na ngayon kung dumating. Marami po tayong binago sa PAGASA, at kasama na po rito ang bulok na sistema.

Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisaayos at naisasaayos na natin sa loob ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw.

Hininto na po natin ang pagkatagal-tagal na sistema kung saan itinuloy nang itinuloy ang mga proyekto na walang sumisiyasat kung angkop ba o kung may katuwiran ba ang mga ito. Isinulong po natin ang zero-based budgeting. Ang sabi po namin, isa-isahin natin iyan. Kung hindi po mapatunayang may saysay ka pa, tigil na ang ginugugol ng bansa sa iyo.

Ang mga Agriculture Input Subsidies na lalo lamang nagpapayaman sa mayayaman na habang binalewala ang mga mahihirap; ang mga programa tulad ng Kalayaang Barangay at Kilos-Asenso na hindi naman inilatag nang malinaw kung ano ang prosesong dinaanan, at kung saan napunta ang pera—inilipat po natin ang kanilang mga pondo tungo sa mga programang napatunayan nang makakatulong sa taumbayan.

Humigit-kumulang na 11 bilyong piso pa po ito na magagamit at mapapakinabangan nating lahat.

Sa edukasyon, kalusugan, at pag-ahon sa kahirapan po natin itinutok ang pondong natipid natin. Mula 175 billion pesos, umangat ang budget ng DepEd sa 207.3 billion pesos. Gugugulin po ito upang makabuo ng 13,147 na bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions. Sa DoH, umangat mula sa 29.3 billion pesos ang budget papuntang 33.3 billion, upang mapatatag ang unang-una, ang National Health Insurance Program. Sa DSWD, lagpas doble na po ang budget, galing 15.4 billion pesos papuntang 34.3 billion pesos.

Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan.

Kaya nga po natin pinatatag ang Conditional Cash Transfer Program. Salbabida po ito para sa mga nalulunod nating kababayan upang makapunta na sila sa pampang ng pagkakataon at pag-unlad. Lampas doble po ang bilang ng mga pamilyang matutulungan ng conditional cash transfers, mula isang milyong pamilya sa ngayon, tungo sa kabuuang 2.3 million na pamilya sa 2011.

Patuloy po ang ating tema ng pagbibigay ng lakas sa taumbayan. Dahil na rin po sa panunumbalik ng tiwala sa gobyerno, nabiyayaan ang KALAHI-CIDSS program ng dagdag na 59.1 million dollars—halos tatlong bilyong piso—mula sa World Bank. Sa programa pong ito, dadami pa ang komunidad na magkakaroon ng kuryente, kalsada, at malinis na tubig—mga proyektong ang taumbayan mismo ang nagpaplano at nagpapalakas.

Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito.

Ang papasok na pera sa ating bansa mula sa mga foreign investors ay aabot sa 2.4 billion dollars, at iyon ay pang-umpisa pa lamang. Direkta po itong magbibigay ng 43,600 na trabaho sa mga Pilipino. Simula pa lamang po iyan: Kung hindi natin sila padadaanin sa butas ng karayom, makukumbinsi pa po silang magnegosyo rito, at madadagdagan pa ang mga trabahong nalikha.

At manganganak pa po ng manganganak ang mga trabahong ito. Halimbawa, sa call center, kailangang panggabi ang trabaho. Kailangang magbukas ng kapihan, ng fastfood, ng mga convenience store. Hindi bababa sa dalawandaang libong bagong trabaho ang malilikha pa—kahit hindi ka marunong mag-computer, may pagkakataon ka sa dagdag na mga trabahong ito.

Trabaho din po ang idudulot ng mga Public-Private Partnerships na patuloy nating isinusulong. Nagtayo na po tayo ng PPP Center, kung saan ang mga gustong makilahok sa pagbabago ay mapapasailalim sa tapat, malinaw, at mabilis na proseso. Mula sa pagpapahaba ng mga LRT Lines, hanggang sa pagpapatayo ng bagong paliparan na tutulong sa turismo, hanggang sa mga eskuwelahan na itatayo sa buong sambayanan, magsisimula na po ang bidding para sa mga ito sa loob ng mga susunod na buwan.

Kinikilala na ng pandaigdigang merkado ang pagtatag ng piso. All-time high po ang ating Gross International Reserves na umabot na sa 52.3 billion dollars noong ika-dalawampu ng Setyembre. Ang dati-rati ay parang imposibleng maabot ng Philippine Stock Exchange Index na 4,000, nalampasan na po. Kahapon lamang po, all-time high na naman ang inabot ng ating Philippine Stock Exchange Index na umabot sa 4,196.73 points. Ipinapakita nito ang kumpiyansa sa ating ekonomiya sa ating mamamayan at sa atin pong pamahalaan. Kabilang na po ang ating PSE sa mga best-performing stock market sa buong Asya. At habang lumalakas ang piso at lumalago ang ekonomiya, steady lang naman po ang mga presyo ng ating mga bilihin. Handang-handa na po tayo talaga sa pag-unlad.

Lahat po ito nagawa natin dahil nakasandal ang gobyerno sa inyong tiwala. At umaapaw na rin po ang tiwalang iyan sa buong daigdig.

Dalawang ulit na pong nag-apply ang Pilipinas para sa Millenium Challenge Corporation Grant. Sa unang tatlong buwan lang po ng administrasyon natin napaaprubahan ito. Ang sa kanila lamang po, aminado silang hindi natin maiwawasto agad ang lahat ng problema, pero naniniwala silang patungo na tayo roon. Sabi nila, gusto namin kayong matulungan para maabot ang inyong mga pinapangarap, heto ang 430 million dollars.

Ididiin ko lang po: dalawang beses nag-apply, ni-reject sa loob nang hindi bababa sa siyam na taon, tayo po sa tatlong buwan, inaprubahan.

Pati po ang mga international organization tulad ng OECD, tinanggal na tayo sa listahan ng mga bansang kumukupkop ng mga tax evader. Maaari na tayong makakuha ng impormasyon na makakatulong sa paghuhuli sa mga tax evader na isinasagawa ng BIR.

Dahil na rin po sa panibagong tiwalang nangingibabaw sa pamahalaan, dumadami ang mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tip tungkol sa katiwalian. Sumasaksi sila sa maling pangyayari, para makatulong sa ating paghahabol ng demanda. Halimbawa, sa bagong-tayo na Pera ng Bayan website, isa-isa nang lumilitaw ang mga taong makatutulong sa atin upang tugisin ang mga smuggler at tax evader.

Ibinabalik ng mga hakbang na ito ang kumpiyansa ng daigdig sa Pilipinas. Nagkakaisa nang muli ang ating lipunan, at ang nanatili na lang na parang sirang-plaka na paulit-ulit ang reklamo ay ang mga gustong manumbalik sa poder upang ituloy ang kanilang ligaya na nagmumula sa ating pagkakaapi.

Sila na nga ang nagdulot sa atin ng mga problemang pinapasan natin ngayon, sila pa ang may ganang bumanat nang bumanat sa atin. Papansinin ba ninyo sila? Magpapalinlang ba kayong muli?

Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.

Ito pong mga problemang pinangako nating solusyonan, tatlong buwan pa lang nakikita na ninyong nabubuo ang solusyon. At ang inyong tiwala po ang pundasyon ng lahat ng ating naabot sa loob lamang nitong tatlong buwan ng ating panunungkulan.

Mula pa noong kampanya, ibinato na po sa atin ang lahat ng puwedeng ibato sa loob at labas ng Revised Penal Code. Pati po ang buhok ko ginawa nilang isyu. Palagay ko ho dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon. Payag po si Sister Imelda diyan. Gusto talaga tayong gibain ng mga taong nais mapanatili ang lumang sistema, kung saan para silang mga dambuhalang buwayang nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

Binabatikos lang naman po tayo dahil may iilan na naghahanap ng paraan para magpatuloy ang siklo ng mali. Alam din naman po nila ang tama, hindi pa nila maatim gawin. Mayroon po talagang mga nag-aambisyon na makabalik sa poder, nag-aambisyon na panatilihin ang sistemang sila lang ang nakikinabang, mga kapit-tuko sa puwesto na nakikinabang sa lumang sistema—mga taong gusto lamang ituloy ang kanilang ligaya, habang binabalewala naman ang sakripisyo ng taumbayan.

At tayo naman po: tuloy na tuloy ang laban. Hindi po tayo titigil.

Kung mayroon po tayong pagkukulang, ito marahil ay ang hindi nating naging kaugalian na ipamalita ang mga tagumpay na atin pong nakamit. Mas binigyan nating halaga ang paghahanap ng mga paraan na makatutulong sa ating mga kababayan. Kitang-kita naman po ng taumbayan ang resulta ng ating pagtatrabaho. Talagang nakagagalak ng puso itong satisfaction rating na seventy one percent. Natural po, sa inyo ang tagumpay na ito—sa bawat Pilipinong nagtitiwala at nakikilahok sa ating agenda ng pagbabago.

Ang patuloy ko pong panata: Hindi tayo titigil. Habang dumarami tayo sa tuwid na landas, dumadali naman po ang tungkulin nating itama ang mali.

Hinding-hindi po tayo titigil sa tuwid na landas. Unti-unti na pong natutupad ang ating mga pangarap.

Maraming salamat po. Magandang umaga sa lahat.

Benigno S. Aquino III, World Teacher’s Day 2010

15 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
World Teacher’s Day 2010

[October 5, 2010, Philsports Arena, Pasig City]

Magandang umaga po.

‘Yung nakatatanda ko pong kapatid, noong kami ay bata pa, nagkaroon ng debate sa kanyang kaklase. Pinagtatalunan po nila kung paano ang pronounciation ng “either.” Sabi noong isa, “ee-ther,” sabi ng pangalawa, “ay-ther.” So buong recess, wala silang ginawa kundi “ee-ther,” “ay-ther,” “ee-ther,” “ay-ther.” Napakahaba pong debate, at bago natapos ‘yung recess, pinuntahan ‘yung kanilang guro. Nilapitan at sinabi, “Ma’am, paano po ba talaga ito, is it ‘ee-ther’ or ‘ay-ther’?” Ang sagot po ng teacher nila ay “Eh-der op da toh well do.”

Totoo pong nangyari ‘yan. Buti na lang may ibang mga guro ‘yung aking kapatid at siya po ay natuto kung paano talaga sabihin ‘yun. Lahat naman po tayo ay may mga idol na teacher. Mayroon pong… aminin ko po sa inyo na noong ako ay nasa kolehiyo, mayroon kaming isang teacher na napakaganda. At noong unang araw, ipinaliwanag niya sa amin kung ano ang kukunin namin sa kurso niya, anong sistema nung mga pag-gregrade, ‘yung mga tests, etc.; lecture po kung paano tatakbo ‘yung buong simestre. Noong natapos po ‘yung kanyang lecture, nagtanong siya, “Mayroon bang mga katanungan?” Sabi po ng isang kaklase ko, “Ma’am, are you married?” Sagot po niya ay “Yes, I am.” Eh doon po sa eskwelahang pinanggalingan namin, bawal sumuko, kaya ‘yung pangalawang nagtanong, “Ma’am, are you happily married?” At ‘yung pangatlo po–dahil ang sinagot naman niya ay “Yes.”–sagot naman po ng pangatlo: “Ma’am, in case you become unhappily married, please remember me.” Hindi po ako ang nagsabi noon.

Mayroon naman pong mga teacher na talaga pong ang tindi. Noong ako po ay college, fourth year college, mayroon po kaming dalawang institusyong titser sa Ateneo na magkasunod po ‘yung klase. ‘Yung isa po, eh, sa Economics naming teacher na talaga naman pong walking encyclopedia, library at saka computer na laging ina-upgrade. Darating po ‘yun, ‘yung kanyang class cards lang ang tangan. ‘Wag kayong mambobola at talagang kayang kaya niya kayong paikot-ikutin, baliktarin, lahat na. Sobrang galing po. Kaya lang ang problema ko doon sa titser na ‘yun, gusto daw po niya akong hubugin nang tama. Kaya ‘yung 55 minutes po na klase namin, nirereserba niya po ‘yung last 15 minutes na kaming dalawa lang ang nagdedebate. Paano kaya ako papasa dito, baka pinepersonal ako nito? Pagkatapos po ng Ideology, Theology naman. Doon po naman sa Theology, unang araw pa lang—eh, Catholic school po kami—prayer ang umpisa. Sabi ng aking kaklase, “Dear God…” Sabi po ng propesor: “Sandali lang, Katoliko tayo. Sa Katolisismo, tatlo ang pinaniniwalaan nating Persona. ‘Pag nagdasal ka, baka puwede namang liwanagin mo kung sino ang kinakausap mo.” So kami naman po ay napag-isip, “Okay ‘to, pati sa dasal nagko-correct.”

Kaya po pagkatapos ng dalawang titser na ‘yun, para kayong uminom ng tatlong tasang kape. Pero ganoon pa man din po, klaro sa akin na kung saan kami pinahirapan. Doon kami natuto nang husto. Kaya sa kanila po, ako ay nagpapasalamat nang muli, na kung ano naman po ‘yung naabot ko, eh dahil doon sa teacher ko na naging idol ko.

Pasensya na po kayo. Ito na po ‘yung pormal na bahagi.

Magandang umaga po.

Una sa lahat, nais ko pong batiin ang lahat ng mga guro dito. Wala pong kapantay ang inyong sakripisyo at dedikasyon sa trabaho. Kaya naman kasama ng buong mundo, ipinagdiriwang po natin ngayon ang World Teacher’s Day at winawakasan ang Teacher’s Month Campaign. Ito po ay munting pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng bawat guro sa kaunlaran ng lipunan. Kaisa po ako sa pagsaludo sa inyong propesyunalismo. Kayo po ang pundasyon ng pinapangarap nating magandang kinabukasan. Kayo po ang nagpapanday sa isip ng mga kabataang magmamana ng mahahalagang tungkulin sa lipunan. Sa tulong ng DepEd, lalo na sa pangunguna ni Kalihim Bro. Armin Luistro, isinusulong natin ang puspusang paglalatag ng mga programa para sa kapakanan ng mga gurong katulad ninyo.

Mabigat na tungkulin ang paghubog sa kamalayan ng mga kabataan. Ngunit lalo lang itong pinapabigat ng iba pang pasaning hinaharap ninyo sa trabaho: kakulangan sa pagsasanay at benepisyo, hindi sapat na gamit sa pagtuturo, at segunda-manong imprastraktura. Sa panahong pinaparupok ng internet, computer games, telebisyon, at iba’t ibang uri ng media ang edukasyon, nariyan kayo at hindi nagpapatinag. Walang alinlangan ang inyong pagharap sa mga suliraning ito, upang maibigay sa kabataan ang mataas na kalidad ng edukasyon. Kayo ang kanilang pangalawang magulang. Hamon po sa inyo ang tungkuling ito lalo na sa mga estudyanteng dala-dala sa paaralan ang problema nila sa pamilya. Nariyan ang mga estudyanteng hiwalay ang mga magulang at mga malayo sa piling ng magulang dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Sa mga pagkakataong ito, kayo ang nagsisilbing gabay upang kanilang masundan ang mga wastong desisyon sa buhay.

Batid ninyong edukasyon ang sisiguro sa magandang kinabukasan ng kabataan, na sila ang magsisilbing puhunan ng ating bayan. Nag-aalay kayo ng panahon, pawis, at kung minsan, dugo at buhay sa pagganap ng inyong tungkulin, tanda ng inyong pagmamahal sa trabaho, at pagiging kabalikat sa pagtataguyod sa ating hangaring magkaroon ng tunay na pagbabago.

Marami po ang minana nating mga suliranin sa edukasyon. Makakaasa po kayong hindi ako magbubulag-bulagan sa mga problemang kailangan nating solusyunan. Unang-una po sa programa ng ating gobyerno ang pagpapabuti at pagpapaganda sa kalidad ng edukasyon ng bansa. Hindi po magbabago ang ating panata. Lalabanan po natin ang katiwalian sa sistema, gamit ang iisang sigaw: Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap. Kung hindi nanakawin ang ating pondo at hindi uunahin ang sariling interes, hindi magiging kalakaran para sa ating mga guro ang matinding pagsasakripisyo. Hindi po makatarungan na pinapahirapan ang mga tapat sa serbisyo—kayo na walang ibang hinihinging kapalit kundi ang makamit ang pagbabago.

Ilang buwan matapos po tayong maupo, isinumite na natin sa Kongreso ang pambansang budget para sa susunod na taon. Bahagi po ito ng ating paninindigan: ang pera ng taumbayan ay dapat na mapunta sa taumbayan lamang. Sa ating Reform Budget, mapopondohan natin ang teacher-training programs, madadagdagan ang mga classroom, at matutugunan ang mga kulang na kagamitan. Sa isang linggong pagbisita sa Estados Unidos, $2.7 bilyong investment po ang naiuwi natin. Tanda ito na maging ang ibang bansa ay may kompiyansa sa mandato natin sa pagbabago. Sisiguruhin ko pong sa pag-angat ng ekonomiya, kasabay nating makakamit ang mataas na kalidad ng edukasyon. Sama-sama po nating abutin ito.

Maganda na ang ating nasimulan. Nakikipagtulungan na rin po ang lokal na gobyerno sa pagpapatayo ng mga paaralan. Sinasabi ko sa lahat ng kawani ng pamahalaan: wrong identification of the problem leads to the wrong solution. Ang aking trabaho ay ang pagtitiyak na epektibo ang magiging alokasyon ng ating pondo. Kailangan nating unahin ang higit na nangangailangan. Sa ganito pong programa, masisiguro po nating  pantay-pantay na makikinabang ang lahat sa ating gobyerno, wala pong dapat na maiwan sa pag-unlad.

Sa inilabas na DepEd Order No. 102, nakagawa na ang DepEd ng listahan ng mga paaralan sa bawat rehiyon na nagkukulang po talaga ng silid-aralan. Ito po ang ating pagbabatayan kung anong mga paaralan at saang mga lugar kinakailangan ang higit na pagtutok natin para patayuan ng mga imprastraktura.

Para naman po sa mga lugar na maayos na ang sitwasyon at may sapat nang mga paaralan subalit may kakaunting bilang ng mag-aaral sa mga pribadong paaralan, ginagawan natin ito ng paraan sa pamamagitan ng  Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE.  Sinisikap po nitong pagandahin ang ating private school system upang magsilbi itong maayos na alternatibo sa mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan po ng GASTPE, maiiwasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan. Sinusuportahan din po natin ang National Competency-Based Teacher Standards o NCBTS ng DepEd, CHED at mga katuwang sa proyektong ito. Layunin nitong paunlarin pa ang inyong kakayahan na maibabahagi ninyo sa mga estudyante.

Patuloy po sana kayong makiisa sa ating pagtahak sa tuwid na landas. Muli po, salamat sa pagiging kabalikat ng ating administrasyon sa pagpasan ng napakarami nating minanang hamon. Sa ating pagkakaisa, abot-kamay na po natin ang hangad nating pagbabago at kasaganahan.

Mabuhay po kayo at ang lahat ng guro sa buong mundo na kasama nating nagdiriwang ngayon. Maraming salamat at magandang araw po sa lahat.

Benigno S. Aquino III, 10th PESO Congress Speech 2010

15 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the 10th Public Employment Service Office Congress

[October 5, 2010, Taal Vista Hotel, Tagaytay City]

Magandang hapon.

Una po sa ating plataporma ang paglikha ng trabaho, kaya’t hindi po ako nagdalawang-isip nang inanyayahan ako ni Secretary Baldoz na dumalo ngayong araw at personal na ipahatid ang aking pasasalamat sa inyong dedikasyon. Ang pagtitipon ng ating mga kasangga sa mga local na pamahalaan na kinakatawan ng mga local chief executives, councilors at Public Employment Service Office (PESO) managers ay may makabuluhang papel. Ito po ay paraan upang mahusay na maipatupad ang ating layuning makapagbigay ng mabilis na serbisyo sa ating mga kababayang naghahanap ng trabaho. Bilang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, kayo po ang unang nilalapitan ng ating mga kababayan.

Malaking hamon po sa ating lahat ang paghahatid ng mabilis na aksyon sa kanilang mga hinaing. Kaya naman po kasama sa ating 22-point agenda on labor and employment ang masigasig na pangangalap at pagbibigay ng mahahalagang datos sa mga industriya at komunidad ukol sa kondisyon ng ating merkado. Kasama na rin po dito ang pagpapalakas sa inyong kakayahan bilang mga “public employment information and exchange facilities” na maghatid ng mga tama at napapanahong impormasyon sa ating komunidad.

Nakapanghihinayang po ang maling pananaw ng karamihan: wala daw pong mapasukang trabaho sa Pilipinas. Ang totoo po, napakaraming bakanteng trabaho na nangangailangan ng mga manggagawa. Ang problema, hindi po tumutugma ang kakayahan ng mga aplikante sa trabahong nais nilang pasukan. Panahon na po upang ating tugunan ang suliranin ng “job and skill mismatch”. Ibig po kasi nitong sabihin, kulang po ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga skill-set na akma upang matanggap sila sa trabaho. Nangangahulugan din po ito na hindi sapat ang impormasyon na nakakalap ng mga negosyante mula sa gobyerno upang maayos nilang mapatakbo ang kanilang industriya. Nagpapabagal po ito sa ating pag-unlad.

Kaya naman po malaking hakbang ang paglulunsad nitong National Skills Registry.  Gamit ang isang online job portal, matutugunan na  po natin ang job and skill mismatch at magiging mas mabilis na rin po ang pagkuha ng DOLE sa mga mahahalagang detalye na kapwa kailangan ng mga employer at mga aplikante. Buo ang aking paniniwala na mula sa tatlumpu’t limang (35) bayan na kalahok ngayon, maipapatupad natin ang National Skills Registry sa lahat ng munisipalidad sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Kaya naman inaasahan ko ang disiplina, dedikasyon at wastong pananaw mula sa ating mga local chief executives at PESO managers: nakasalalay sa inyo ang pagpapanatiling mabisa at buhay ang proyektong ito.

Mahalaga din po ang National Skill Registry sa epektibong pagpapatupad ng “emergency employment program” na muli nating bubuhayin, gaya ng ipinangako ko sa aking inaugural address. Ang tinutukoy ko na “emergency employment” ay hindi lamang yaong mga trabaho na nalilikha tuwing magkakaroon ng mga “crisis” o kalamidad.  Bagama’t ang mga ito ay kasama, mas bibigyan natin ng pansin ang mga “temporary jobs” na maaring malikha ng ating mga itatayong imprastraktura sa komunidad.

Kung may ipapatayong imprastraktura sa isang pamayanan, kalahati po sa mga kukunin nilang trabahador at 30 porsiyento ng “skilled” workers na kakailanganin ng contractor ay manggaling dapat mismo sa komunidad. Sa madaling salita, bibigyang-lakas po natin ang ating mga mamamayan, hindi lang sa pagkakaroon ng ikabubuhay, kundi maging sa direktang pakikiisa nila sa pagsulong ng kanilang lokalidad.

Subalit hindi po ito maisasakatuparan ng mahusay kung ang PESO ay hindi makakatugon sa paghahanap ng mga manggagawang kailangan sa proyekto ng mga negosyante. Kaya po kailangan ang ibayong pagrerehistro ng mga kakayahan mga naghahanap ng trabaho sa inyong lugar.  Sa tulong ng PhilJobNet—ang natatanging “job matching portal” ng ating pamahalaan—mapapalawak ang pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga bakanteng trabaho sa mga industriya, gayundin ang mga impormasyon sa mga taong nangangailangan ng trabaho saan mang sulok ng bansa. Upang masiguro po ang mahusay na implementasyon nito, inatasan ko ang DOLE na pamunuan and pagbuo ng isang coordinative system na susubaybay sa pagpapalago nitong Emergency Employment Program.

Naniniwala ako na ang paghubog sa tamang disiplina sa paggawa ay kailangan nating simulan sa mga bata habang sila’y nasa murang edad pa lamang. Kailangang pag-aralan ng DepEd, DOLE, at PRC kung paano maipapatupad ang pagbibigay ng maayos na career guidance sa mga estudyante, upang mabigyan sila ng tamang gabay sa pagpili ng kanilang papasuking bokasyon.  Sa pagtutulungan ng TESDA at CHED, rerepasuhin din po natin ang ating curriculum upang maging akma ang pagsasanay at kakayahan na hinahanap ng mga industriya.

Batid ko rin po ang kahinaan ng PESO Act of 1999 na hanggang ngayon po ay nananatiling isa sa marami nating  “unfunded law”. Upang mapunan ang kakulangan nito, inaatasan ko po si Secretary Baldoz na isama ang PESO Act sa gagawing recodification ng ating Labor Code. Isama na rin po natin dito ang pagpapalakas sa mga munisipalidad na wala pang kakayahang bumuo ng kanilang sariling mga PESO. Nananawagan din po ako sa pakikipag-ugnayan ng PESO sa mga “public-private partnership projects” sa inyong munisipalidad. Kasama ko rin pong hinihikayat ang ating LGUs sa pagpapabilis sa proseso ng papeles para sa mga gustong magnegosyo sa kanilang komunidad. Huwag po nating pahirapan ang mga nais tumulong sa ating bayan. Wala naman pong ibang magsusulong sa ating kaunlaran kundi tayo mismo.

Kapuri-puri din po ang mga proyekto ng DOLE na nakatuon sa pagpapabuti sa sistema ng pagtatrabaho sa bansa. Isang magandang halimbawa ang ugnayang binabalangkas ng DOLE kasama ang mga “foreign chambers” at tripartite partners upang itaguyod ang “industry self-regulation through voluntary code of good practices” bilang isang mekanismo upang mapaganda ang kalakaran ng merkado.

Kanila ring pinagtibay ang 30-day conciliation-mediation sa lahat ng kasong inihain sa kanila. Layon ng repormang ito ang mabilis at tamang pagreresolba sa mga kasong inilalapit sa DOLE ng mga manggagawa. Upang mabantayan at labanan ang katiwalian, nilikha din nila ang National Effieciency and Integrity Board, sa ilalim ng Tripartite Industrial Peace Council (TIPC). Sa tulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ng National Anti-poverty Commission (NAPC), kasalukuyan na din nilang sinusuri ang labor-based employment support technology (LBEST) upang lumikha ng mas marami pang proyekto na makakapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Mahalaga rin ang kanilang pagkilala sa papel ng mga negosyante sa pagtataguyod ng maayos na sistema, hindi lamang sa pagpapalago ng kanilang industriya, kundi maging sa panghihikayat na pumasok ang mas marami pang negosyo sa ating bansa. Tiyak kong ang masiglang ugnayan sa pagitan ng mga namumuhunan at ng pamahalaan ay magbubunga ng mas maraming trabaho sa ating mga mamamayan, na siya namang siguradong tatapos sa suliranin natin sa kahirapan.

Marami pa po tayong kailangang gawin. Marami pa rin po sa atin ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makaahon sa kahirapan. Sa kabila po ng pagdagsa ng maraming trabaho bunsod ng paglakas ng ating ekonomiya nitong mga huling buwan, kailangan po nating tanggapin na matagal pa po bago madama ng karamihan sa atin ang inaasam nilang ginhawa. Ginagawa po ng ating administrasyon ang lahat ng paraan upang mabilis po nating maabot ito. Kaya naman po kailangan nating pagtugmain ang ating mga sinisimulang reporma upang sama-sama nating makamit ang layuning makalikha ng trabaho dito sa ating bansa. Sa ating pagtutulungan, umaasa akong hindi na kakailanganin ng ating mga kababayan na mangibang-bansa para buhayin ang kanilang pamilya. Bigyang-lakas natin ang ating mga kababayan na maiangat ang kanilang pamumuhay. Ang lakas ng isa, ay lakas nating lahat. Harinawa’y ang tagumpay ng pagtitipon natin ngayon ay maging pinto tungo sa mas masaganang bukas na maipapamana natin sa mga susunod na salinlahi.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

Benigno S. Aquino III, Philhealth Registration Day Speech 2010

15 Oct

Speech of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
On the Occassion of Philhealth Registration Day

[October 2, 2010, President Corazon C. Aquino High School, Baseco, Manila]

At the start of my administration, we made our commitment clear: universal healthcare will be the centerpiece of our health agenda. During my SONA, we pledged to provide universal health coverage for 5 million poor Filipino families in 3 years, and our quest towards the fulfillment of that commitment starts today. Through the joint efforts of the Department of Health (DOH), the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Local Government Units (LGUs) and various volunteer organizations, we have embarked on this nationwide PhilHealth Sabado Registration day, not just to promote public awareness of PhilHealth’s importance, responsibilities and benefits, but more importantly, to encourage the enrollment of the poorest of the poor in the country, as identified by DSWD  through the National Household Targeting System (NHTS).

Sa aking SONA, inihayag ko rin po ang magiging balakid sa mabisang pagpapatupad ng mga programa ng PhilHealth: hindi po magkakatugma ang datos sa kung sino ang nangangailangan ng benepisyo nito. Sabi ng isang bibig, walumpu’t pitong porsyento. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento. Ang sabi naman ng National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento daw. Iba-iba ang sinasabi ng datlos kung ilan na ang saklaw o hindi pa. Kung magtatanong pa po tayo sa ibang sangay, sigurado akong iba rin ang sasabihin nila. Paano po tayo makakagawa ng epektibong solusyon kung simula’t sapul pa lang, hindi na natin alam kung ano talaga ang problema? Hindi po madadaan sa tsamba ang pag-unlad. Wala pong shortcut sa pagbabago. Mahalaga pong magkaroon ng tamang solusyon ayon sa wastong pag-aaral sa mga problema.

Bilang tugon po sa ganitong balakid, binuo po ng PhilHealth ang Interagency Technical Working Group (TWG) upang kilalanin ng maayos kung sino talaga ang wala pang benepisyo ng PhilHealth; kung sino ang hindi nakakaalam sa sakop ng makukuha nilang benepisyo, at kung ilan nga ba talaga ang gumagamit ng PhilHealth tuwing sila ay nagpapaospital. Maganda ang nagawa ng PhilHhealth sa pagtataguyod nitong TWG dahil nakasisiguro na po tayo ngayon na ang datos na pagbabasehan ng ating programa ay tama, ang ating ilalaan ay sapat, at hindi nalulustay ang inyong buwis nang walang dahilan.

Ang pagpapalista ng mga bagong miyembro ay munting hakbang pa lamang po sa adhikain nating mapagaan ang gastusin ng mga kababayan natin kung sakalaing sila ay magkasakit.   Ayon sa isang pag-aaral, ang average benefit delivery rate (BDR) ng National Health Insurance Program sa ating bansa ay nasa walong porsyento lamang. Nakalulungkot po nang husto talaga ang itong datos na ito. Ibig po kasi nitong sabihin, kung may limampung pasyente po tayo sa ospital, apat lamang po sa kanila ang nagsasabing napagsilbihan o nakatulong sa kanila ang PhilHealth card nila; sa limampung pasyente, apat lamang po sa kanila ang nakakaalam ng kanilang karapatan at lubos na nakikinabang sa serbisyong pangkalusugan mula sa mga accredited providers; at sa limampung pasyente, apat lamang po sa kanila ang nabibigyan ng reimbursement ng PhilHealth sa kanilang gastusin sa ospital. Hindi po ito katanggap-tanggap.

Maliban po dito, singkwenta porsyento lamang po sa mga miyembrong pumapasok sa mga pribadong ospital ang gumagamit ng kanilang PhilHealth, habang bentekwatro porsyento lamang naman po sa mga pampublikong pagamutan. Samakatuwid, maging ang mga miyembro ay walang sapat na ideya, o walang lubos na kaalaman sa kung paano makakatulong ang PhilHealth sa kanilang gastusing pangkalusugan.

Kaya naman po hindi sapat na magparehistro lang tayo. Mahalaga rin pong makibahagi tayo sa ilan pang programa ng PhilHealth upang lubos nating maintindihan kung ano ang mga benepisyo nito, kung ano pa ang mga saklaw nito, at kung ano ang mga responsibilidad natin bilang mga miyembro.

Humigit-kumulang 2.7 billion dollars po ang halaga ng mga investment na naiuwi natin mula sa Estados Unidos. Malaking bahagi po nito ang ating ilalaan sa programang pangkalusugan ng ating pamahalaan. Maliban sa pagpapatayo ng marami pang ospital, at pagpapababa sa presyo ng mga gamot, magtataguyod pa po tayo ng mga programang tulad nito upang mapagsilbihan natin ng mabuti ang nakararaming mamamayan. Sa pagtutulungan ng PhilHealth, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Education (DepEd), hindi po tayo titigil sa pagbabahagi ng benepisyong pangkalusugan kay Juan at Juana dela Cruz. Sa pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan at ng mga volunteer groups, naniniwala po akong mabibigyan natin ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang Pilipino.

The path towards universal health care does not start nor end with this event. Instead, our initiative today serves as an impetus to propel the health sector in achieving its goal of providing equitable and sustainable healthcare for every Filipino. Our movement for change depends on our ability to empower the vulnerable, and there is no better way of becoming part of this transformative agenda than to embrace our communal responsibility and safeguard the well-being of our people.

Muli, nagpapasalamat ako sa inyong mainit na pagsuporta sa PHilHealth Sabado. Patunay po ito sa inyong pagtitiwala, hindi lamang sa ating programa sa repormang pangkalusugan, kundi maging sa ating hakbang upang labanan ang kahirapan at katiwalian. Wala pong mahirap gawin kung tayo ay nagbabayanihan; ang lawak ng mga hakbang natin tungo sa kaunlaran ay nakasalalay sa mga maliliit nating mga yapak habang nagtutulungan. Abot-tanaw na po natin ang magandang bukas; atin na pong tahakin ang tuwid na landas.

Maraming maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat.